By Jesson Luis Tamondong – March 26, 2020 , 8:50 am

Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, kailangan manguna ng mga person in authority, gaya ng opisyal ng barangay, sa pag-aresto sa mga sumusuway sa mga alituntunin ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), at kung hindi ito magagawa ay mas mainam na magbitiw na lamang ang mga ito sa pwesto.

Ito ay ipinahayag ng alkalde sa gitna ng pagdami ng mga residente na patuloy pa ring tumatambay o lumalabas nang walang sapat na kadahilanan sa gitna ng ipinapatupad na ECQ.

Sa pinakahuling tala ng pamahalaang lungsod, umabot na sa 269 ang bilang ng mga nakasuhan sa paglabag sa quarantine measures, ngunit ayon sa alkalde ay kakaunti ito dahil hindi lahat ng mga lumabag sa mga barangay ay dinadala sa presinto ng pulis.