By Racquel Bayan – March 26, 2020 , 8:07 am

Ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año , hindi nakasalamuha ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpositibo sa COVID-19 na si House Committee on Appropriations Chairperson at Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support Party-list Representative Eric Go Yap noong nagtungo ito sa Malacañang noong Marso 21, 2020.

Sinabi rin ng kalihim na silang mga nagpunta sa Malacañang noong Sabado ay nagpatupad ng social distancing at nagsuot ng face mask. 

Kaugnay nito, sinabi ni Department of Budget and Management Secretary Wendel Avisado at Department of Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista na kahit wala silang nararamdaman ay sasailalim sila sa self-quarantine bilang precautionary measure, at tatangkilikin muna nila ang teleconferencing upang patuloy na magampanan ang kanilang mga tungkulin.